Tiwala

Hayun,tagal din akong hindi nag-post dito sa tumblr.Nag-oopen ako everyday pero nagba-back read lang ako sa mga pina follow ko.Ano nga ba mga nangyari saken this past week?Uhmm,sa work ganun padin naman.Pumapasok,naeextend,nao-oncall.Tungkol naman samin ni mahal,nag-away pala kami,ayy hindi naman talaga away uhmm tampuhan?Pero naayos naman namin agad.Hindi kasi namin pinapatagal mga ganung bagay,kung sino yung nakakaintindi siya nalang ang magpakumbaba.Nung pauwi na kasi siya ng manila galing pangasinan,na wrong send kasi kay mahal yung tinext ng isang kasamahan ko sa work dahil nga sa kinakalikot niya nun fon ko.Tapos yun,tinanong niya ako kung sino daw ba yung katext ko,eh sinabi ko yung totoo na hindi naman para sa kanya yun nasend lang sa kanya.Sabi niya wag na wag ko daw siyang lolokohin.Nainis ako kasi nagsasabi ka ng totoo tapos parang hindi ka pinapaniwalaan.Naging okay naman kami that day kaso dinibdib niya parin yung text na yun.Naging paranoid na naman siya na baka saktan ko lang daw siya.So parang paulit-ulit nalang yun,tas alam mo yun may period pa ako nun kaya mas lalo akong nairita.Tinawagan ko siya tapos umiyak siya saken.Grabe lungs!Parang dinudurog yung puso ko kapag nagkakaganun siya.Alam ko naman na mahal na mahal niya ako kaya siguro ganun mga akto niya.Mahal na mahal ko din naman siya eh.Ayoko lang minsan yung parang ang liit ng tiwala niya saken.Pinag-usapan naman naming mabuti,atleast open siya sa nararamdaman niya.Tapos nung araw na yun,alam mo yung feeling na parang nadagdagan pa yung pagmamahal niyo sa isat-isa ng dahil sa mga tampuhan namin o kaya mga hindi pagkakaintindihan?Ang sarap lang ng feeling na secured ka sa nararamdaman mo,yung alam mong hindi ka sasaktan kasi mahal na mahal ka niya.Naging mas sweet pa kami sa isat-isa at naging malalim pa yung pagsasamahan namin.


POST DETAILS:
Posted on June/11/2012
Tagged as: mahal ko,
Originally Posted by: akoaysayoatikawayakin